72.2k views
0 votes
Ano ibig sabihin ng banghay

2 Answers

2 votes
Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakabuo ng mga pangyayari sa isang kuwento o akda.
Ang pagkakasunod - sunod ng mga pangyayari sa isang maikling kuwento ay tumutukoy sa banghay. Ito ay kadalasang may anim na bahagi: simula, suliranin, papataas na aksyon, kasukdulan, pababang aksyon, at wakas. Ang simula ang naglalahad o naglalarawan ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin sa kuwento. Ang suliranin ang esensya ng kuwento. Hindi dadaloy at magiging kapana - panabik ang kuwento kung wala ito. Ang papataas na aksyon ay ang pagtugon ng mga karakter sa suliranin sa kuwento. Ang kasukdulan ang bahaging pinaka kapana - panabik sa kuwento. Ang pababang aksyon ay ang nagtataglay ng kakalasan ng kuwento. Dito nilalapat ang solusyon sa suliranin sa kuwento. Ang wakas ang huling bahagi ng kuwento na maaring masaya, malungkot, o nag - iiwan ng palaisipan sa mga mambabasa.
Keywords: banghay, maikling kuwento
User Castro Roy
by
5.3k points
2 votes

Step-by-step explanation:

ano ibig sabihin ng banghay

can you please let me know

which language is this .

please don't mind

hope it is helpful to you

User Yohan Blake
by
4.5k points