29,525 views
10 votes
10 votes
Tukuyin ang uri ng tayutay

User Saeid Ostad
by
3.2k points

1 Answer

15 votes
15 votes

Answer:

1. Pagtutulad (simile) – ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari at iba pa. Gumagamit ng mga salitang tulad ng, gaya ng, para ng, kawangis, atbp.

2. Pagwawangis (metaphor) – katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.

3. Pagmamalabis (hyperbole) – lubhang nagpapalabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman

4. Pagbibigay-katauhan (personification) – pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala

5. Pagpapalit-tawag (metonymy) – mahabang pangungusap na isang salita lamang ang katumbas

6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) – maaari dito banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo

Step-by-step explanation:

User Sherona
by
2.6k points