16,584 views
9 votes
9 votes
Anong pangyayari sa ikalawang digmaang pandaigdig

User Ram Mourya
by
2.8k points

1 Answer

13 votes
13 votes

Answer:

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing ito na pinakamalawak, pinakamahal at pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming puwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban. Isang linggo bago magsimula ang digmaan, ang kasunduang Molotov-Ribbentrop ay nilagdaan ng dalawang magkakalaban, ang Alemanyang Nazi at ang Unyong Sobyet at sumang-ayon sila sa dibisyon ng teritoryong nais sakupin sa Poland. Nagsimula lumusob ang hukbong Alemanya sa kanluran, hilaga, at timog ng Poland noong Setyembre 1, 1939 habang ang USSR ay nagsimulang lumusob sa bansa noong Setyembre 17 sa silangang bahagi ng Poland. Nang sumuko ang Poland, sila'y pinalipat sa Romania. Ang hukbong Nazi ay aktibo sa digmaan mula 1939 hanggang 1940 at halos nakontrol ang maraming bansa sa Europa. Pumasok ang Italya sa digmaan noong June 10, 1940 upang tulungan ang mga Alemanya. Ang mga bansang Pransiya, Belhika, Netherlands, Austria, Tsekoslobakya, Poland, Yugoslavia, Ukraine, Belarus, Lithuania, at kanlurang Rusya ay nakontrol ng Alemanya sa panahong iyon. Pumasok ang Asia sa digmaan noong Disyembre 7, 1941 nang binomba ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii sa umaga. Nagbibigay-daan din ito sa pagpasok ng bansang United States sa digmaan. Habang nangyari ang pag-atake sa Pearl Harbor, ang walong barkong U.S. Navy ships ay binagsak ng mga Hapon. Inilarawan itong bilang ''a date which will live in infamy'' dahil nangyari ang pag-atake ng walang anunsyo o deklarasyon. Pagkatapos ng pitong oras, nagsimulang umatake ang Japan sa mga bansang nasa timog-silangang Asia tulad ng Pilipinas, Hong kong, at Singapore. Halos nakontrol ng mga Hapon ang mga bansa sa timog-silangang Asia at ang mga taong nakatira sa mga ito ay pinahirapan at pinatay. Noong 1943, sinalakay ng mga Alyado ang Sicily, ang isla sa timog ng Italy hanggang sa sumuko ang Italy sa pamamagitan ng paglagda ng kasunduang Cassibile noong Setyembre 3 at dineklara sa Setyembre 8. Noong Abril 16, 1945, nangyari ang labanan sa Berlin at ito'y pinakahuling labanan ng hukbong Alemnya at USSR. Habang nangyari ang labanan na ito, noong Abril 30, si Adolf Hitler ay nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbabaril sa ulo at kasabay niya rito ang asawa niyang si Eva Braun na nagpakamatay din sa pamamagitan ng paggamit ng cyanide. Sa pagkamatay ni Hitler, humina ang Nazi Germany at marami sa kanila ang namamatay sa daan. Sumuko ang mga Alemanya noong Mayo 7, 1945 at bunga nito, nanalo ang USSR. Pagkatapos nito, nagkaroon ng selebrasyon sa Europa. Mula Moscow hanggang Los Angeles, nagkaroon sila ng malaking selebrasyon. Ang hukbong USSR ay nabigyan ng award sa kanilang tagumpay, ''Heroes of the Soviet Union''. Noong Agosto 6 at 9, nagsimulang magbomba ang mga hukbong Amerikano sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki. Ang bombang Little Boy ay ginamit sa Hiroshima at ang bombang Fat Man sa Nagasaki. Maraming namatay sa mga Hapon hanggang sila'y sumuko noong Agosto 15, 1945. Upang mabigyang opisyal na katapusan ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang dokumentong pagsuko ay nilagdaan ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Sa pagtapos ng digmaan, 60 milyon tao ang nasawi.

User Ivan Stoyanov
by
2.7k points