Answer:
Apoy- Ang apoy ay lubhang importante sa mga sinaunang tao dahil ito ay ginamit upang makapagluto ng pagkain at painitin ang katawan laban sa lamig. Ito rin ay ginamit panakot sa mga mababangis na hayop.
Kuweba- Ito ang naging pangunahing tirahan ng mga sinaunang tao, dito sila naninirahan tuwing taglamig o tuwing tag-ulan. Dito rin sila kumukuha ng bato panggawa ng mga kagamitan.
Punong Kahoy- Ang kahoy ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao dahil sa dami ng gamit nito, ang punong kahoy naman ay maaaring ginamit pangsilong sa araw .
Mga bato- Ang bato ay karaniwang ginamit ng mga sinaunang tao sa paggawa ng patalim o kahit anong matulis na bagay na maaaring gamitin sa pangangaso.
Mga dahon- Ito ay ginamit na bubong ng mga kahoy na tirahan bilang alternatibo kung walang kuwebang mahanap.
Balat ng hayop- Sa pagpatay ng hayop, iniiwan ang balat nito at ginagamit bilang taklob sa katawan, lalo na sa mga kababaihan.
Ang lahat ng ito ay nakatulong sa pagkaroon ng kabihasnan, ang pangunahing dahilan ay , ang mga sinaunang tao ay karaniwang tumitira at nagsasama bilang isang grupo o pangkat, maaaring gamitin nila ang mga nasabing resources upang mabuhay bilang pangkat.
Step-by-step explanation: